Maaaring maituring na bilang isang “fugitive” o tumatakas sa batas si Senator Ronald “Bato” dela Rosa matapos nitong lisanin ang protective custody ng Senado noong nakaraang linggo.
Ito ang tugon ni Palace Press Officer USec. Claire Castro matapos tanungin kung maituturing ng pugante ang senador kasunod ng pag deny ng SC sa kaniyang kahilingan.
Ibinahagi rin ni Castro na ito rin ang opisyal na posisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) hinggil sa estado ng mambabatas.
Gayunman, Lahat ng operational matters kaugnay ng posibleng pagpapatupad ng warrant ay ipauubaya na sa DOJ.
Binigyang diin din ni Castro na “valid” ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Ngayong araw naglabas ng resolusyon ang Korte Suprema at tinanggihan ang hiling na temporary restraining order (TRO).
Ayon kay Castro, ang lahat ng interpretasyon at evaluation kaugnay ng naging resolusyon ng Korte Suprema ay ipauubaya na sa Department of Justice (DOJ) at kay Justice Secretary Frederick Vida.















