-- Advertisements --

Masayang ibinalita ng singer na si Jessie J na ito ay cancer-free na.

Ito ay matapos ang isang taon ng madiagnosed siya na mayroong breast cancer.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi ang larawan niya habang sumasailalim ng Magnetic resonance imaging o MRI.

Sinabi nito na napaiyak siya noong unang mabalitaan na wala na itong cancer.

Noong Hunyo 2025 ay ibinunyag ng “Price Tag” singer na ito ay na-diagnosed ng early stage breast cancer.

Una ng niyang natanggap ang diagnosis bago ang paglabas ng kaniyang kantang “No Secrets” noong Abril 2025.