-- Advertisements --
Tiniyak ni Russian President Vladimir Putin na ito ay gaganti matapos umano atakihin ng Ukraine ang dormitoryo ng mga mag-aaral.
Aabot sa 18 katao ang nasawi at 42 ang nasugatan sa pag-atake sa Starobilsk, sa Luhansk region.
Subalit paliwanag Ukraine military na kanilang tinamaan sa airstrike ang Rubicon drone military unit na matatagpuan sa Starobilsk.
Binigyang linaw naman ni Putin na walang anumang military facilities sa lugar kung saan nangyari ang airstrikes.
Dahil dito ay pinaghahanda ng Russian President ang kaniyang mga sundalo para sa pagganti.
















