-- Advertisements --
Hindi maiwasan ng singer na si Sarah Geronimo na maglabas ng saloobin sa mga nagaganap na kurapsyon sa gobyerno.
Sa kaniyang pagtatanghal sa pagbubukas ng UAAP Season 88 na ginanap sa University of Santo Tomas ay hindi naiwasan ng singer na magpahapyaw sa gobyerno.
Bago ang kaniyang pagkanta ay hinikayat niya ang mga kabataan na sila ang magiging susi sa pagbabago sa bansa.
Nanawagan ito ng ipagdasal ang bansa dahil sa mga nagaganap na kurapsyon at maniwala na mayroon pang pagbabago na magaganap.