Umarangkada na ang sanib-pwersang pagpapatroliya ng Philippine at Indian Navies sa West Philippine Sea (WPS) sa kauna-unahang pagkakataon.
Kasama sa dalawang araw na joint sail ng dalawang hukbo na nagsimula kahapon, Agosto 3 ay ang mga barkong pandigma ng Indian Navy.
Ito ay ang INS Mysore, isang guided missile destroyer; INS Kiltan,isang anti-submarine warfare corvette; at INS Shakti, isang fleet tanker.
Isinagawa ang naturang aktibidad kasabay ng pagpapalakas pa ng Pilipinas sa defense cooperation nito kasama ang mga kaalyadong bansa sa mga nakalipas na taon matapos ang ilang serye ng conflict sa pinagtatalunang karagatan.
Ayon kay Lt. Col. John Paul Salgado, nagsimula kahapon ng hapon ang joint patrol at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan kung saan isinagawa ang replenishment sa karagatan.