Samantha Lo
Samantha Lo/ IG post

Nabiktima ng passport fixing si Binibining Pilipinas Samantha Lo kaya ito naharang sa paliparan sa France.

Ito mismo ang lumabas sa isinagawang pagpupulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI).

Ayon sa national pageant organizer na inamin ng magulang ng beauty queen na dumaan sa fixer ang pasaporte nito.

Magugunitang patungo na sana sa Venezuela si Lo para lumahok sa pageant subalit ito ay hinarang sa Charles de Gaulle Airport sa Paris matapos matuklasang peke ang pasaporte nito.

Agad na nakipag-ugnayan ang BPCI sa DFA para tignan ang problema.

Sa ngayon ay nasa Venezuela na si Lo para sa Miss Grand International pageant na gaganapin sa Oktubre 25.
Naging 2017 Miss Mandaue pageant at Bb. Cebu-Tourism.