Wala paring patid sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao at Binga Dam sa Benguet kasunod ng mga naranasang mga pag-ulan na dulot ng umiiral na habagat at bagyong Bising.
Sa pinakahuling datos ng ahensya, bukas ang isang gate ng Ambuklao Dam habang dalawang gate naman ang nakabukas sa Binga Dam kanina pang alas 8 ng umaga.
Aabot naman sa 0.3 metro ang bukas sa gate ng Ambuklao habang nasa 47.23 cubic meters per second ang inilalabas nitong tubig.
Bukas naman ang gate ng Binga Dam ng 0.8 metro kung saan aabot sa 113.87 cubic meters per second ang volume ng tubig na pinalalabas nito.
Batay sa datos, nagkaroon ng pagbaba sa lebel ng tubig sa dalawang dam kung saan naitala ang 751.39 meters na pagbaba sa water elevation ng Ambuklao Dam at 573.45 meters naman ang ibinaba sa Binga Dam.
Nagkaroon naman ng pagtaas sa lebel ng Pantabangan, Magat, at Caliraya Dam.