-- Advertisements --

Itinigil na ng pinakamalaking dam sa buong bansa na San Roque Dam ang pagpapakawala ng tubig kasunod ng tuluyang pagbaba ng lebel nito.

Kaninang alas-5 ng madaling araw ng isinara ng dam ang dalawa nitong gate na dating nakabukas ng limang metro.

Huli itong nagpapakawala ng hanggang 821 cubic meters per second (CMS) ng tubig at sa nakalipas na 24 oras ay bumaba ito ng halos apat na metro mula sa dating 279 meters kahapon (Aug.3 ) patungo sa 275.20 ngayong araw.

Ang kasalukuyang lebel nito ay halos limang metro na mas mababa na kumpara sa normal high water level nito.

Batay sa report na inilabas ng Hydrology Division ng state weather bureau ngayong araw kasalukuyan pa ring nagpapakawala ng tubig ang dalawang malalaking dam sa Luzon na Ambuklao Dam at Binga Dam.

Nagpapalabas ang Ambuklao ng kabuuang 119 cms habang ang Binga ay nagpapakawala ng halos 190 cms ng tubig.