CAGAYAN DE ORO CITY- Patay ang driver at kritikal naman ang backride nito matapos makasalpukan ang isang Mitsubishi fuso flatbed truck sa Purok 6A, North Poblacion, Maramag, Bukidnon.

Kinilala ang namatay na si Peter John L. Lugas, 19, na residente ng Purok 1A South Poblacion habang ang kritikal naman ay si Laniel Panuncialman, 16, na taga P-2B Panadtalan sa naturang bayan.

Sinabi ni Maramag Municipal Police Station Commander Lt. Col. Casan Ali, nag U-turn ang truck at bumangga ang motor.

Naisugod pa sa ospital ang mga biktima ngunit hindi na umabot ng buhay ang driver habang nasa malubhang kalagayan naman ang backride dahil sa tinamo nitong injury sa ulo.

Nasa kustudiya na ng Maramag PNP ang driver ng truck na si Evangelino I. Fabia.