CAGAYAN DE ORO CITY – Kinilala ng Philippine National Police na malaking tulong para sa napanatiling katihimikan para sa Mindanao ang ‘peace advoacy’ ng hardcore kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) North WestMin na si Sultan Abdullah Macapaar alyas Kumander Bravo na nakabase sa Kampo Bilal ng Munai,Lanao del Norte.
Pag-amin ito ni PoliceRegional Office 10 regional director Brig Gen Jaysen De Guzman kasunod ng personal na pag-apak ni Kumander Bravo sa Kampo Alagar sa pinakaunang pagkakataon simula nang nabagsak ang karamihan ng MILF camps sa Mindanao noong 2000.
Sa panayam ng Bombo Radyo, buong suporta ang ibinigay ng PRO 10 para sa abdokasiya ni Kumander Bravo dahil naglalayon ito para sa mga sumusunod pa mga lahi na mga taga-Mindanao.
Una nang sinabi ni Bravo na hanggang sa kanilang henerasyon na lang ang madugong labanan sa pagitan ng gobyerno at MILF dahil ayaw na nila mawala ang tinatamasa na kapayapaan na bunga ng mga sakripisyo ug pagsisikap ng mga kasamahan nila nagbuhis-buhay.
Ito ang dahilan na malugod na tinanggap ng PRO 10 ang isinusulong na pagsisikap ni Bravo na dati ring nasa likod ng ilang linggo na pag-depensa ng MILF camps sa Lanao del Norte,Lanao del Sur at Maguindanao sa kasagsagan ng ‘all out war’ declaration ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada sa Mindanao taong 2000.