-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Nagkabasag-basag ang salamin at iba pang kagamitan ng isang bangko sa bahagi ng San Fermin,Cauayan City matapos na araruhin ng isang SUV na pag-aari ng isang driving school sa lungsod.
Nabatid mula sa mga guwardiya ng BPI San Fermin Branch na ang nasabing sasakyan ay paparada sana sa harapan ng naturang bangko subalit sa halip na huminto ay dumiretso at pumasok sa loob ng bangko dahilan para mabangga nito ang salamin at magkabasag-basag.
Isa namang kliyente ng bangko ang itinakbo sa pagamutan matapos na matamaan ng bubog ng mga nabasag na salamin.
Maliban dito ay maswerte namang walang nasaktan sa mga empleyado ng naturang bangko na nasa loob.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Cauayan City Police Station.