-- Advertisements --
Kinuha ng Philippine National Police (PNP) ang fitness vlogger na si Rendon Labador para papayatin ang mga kapulisan.
Ang nasabing programa ay inisyatibo ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG), para sa 93-day weight loss program ng PNP.
Ayon kay Labador na kanilang imo-monitor ang bigat kung saan sila ay sabay na magwo-workout at kanila itong sabay na imomonitor.
Dagdag pa nito na tinawagan siya ni PCADG Director Brig Gen. Marvin Saro para sa nasabing programa at gagawin niya itong libre at walang bayad.
Makakasama nito ang kapwa coaches at mga nutritionist.
Nais aniya siyang tawagin bilang national coach of the police.