-- Advertisements --

Posibleng ipatupad ng P1 na dagdag sa pamasahe sa Jeepney sa susunod na linggo dahil sa sunod-sunod na big-time oil price hikes dulot ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Iran at Israel.

Sa isang panayam ay sinabi ng Land Transportation Franchising Regulatory Board na posible nilang pagbigyan ang hirit ng mga jeepney drivers at operators sa piso na dagdag na pamasahe.

Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III, maaaring aprubahan muna ang one peso across the board at hindi ang per kilometer na increase sa pamasahe.

Aniya, magiging mabigat kasi sa parte ng mga mananakay kung hindi ipatutupad ang flat rate.

Maaari rin aniya na magbigay sila ng provisional increase pero ito ay may kaakibat na kondisyon.

Pinag-aaralan rin ng ahensya ang pagbibigay ng fare hike petition ng mga provincial buses sa bansa para matugunan ang kanilang hinaing sa mataas na presyo ng petrolyo.