-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police ang kanilang presensya sa lahat ng paaralan sa bansa.

Layon ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng mga guro at mga mag-aaral at masiguro ang kapayapaan at kaayusan.

Una nang iniulat ng Pambansang Pulisya na naging “generally peaceful” ang pagbubukas ng klase noong Lunes sa bansa.

Ito ay dahil na rin aniya sa close coordination ng PNP sa pamunuan ng Department of Education, mga lokal na pamahalaan at iba pang mga stakeholders.

Kaugnay nito ay hinikayat ng PNP ang publiko na manatiling “vigilant and proactive” sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad na kanilang nakikita.

Maaalalang personal na bumisita si PNP chief Gen. Nicolas Torre III sa ilang paaralan sa Quezon City para masilip ang ipinapatupad na security measures ng mga pulis sa lugar.

Ayon kay Gen. Torre, ang PNP ang nananatiling committed sa pagbibigay ng ligtas na komunidad lalo na para sa mga kabataan.