-- Advertisements --

May hakbang na ginagawa ngayon ang gobyerno para tuluyang matanggal ang ilang libong mga iligal gaming websites na nag-ooperate sa bansa.

Kasunod ito sa pagdami ng mga nalululong sa mga online casino game na tinatawag na ‘scatter’.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro , na ang SCATTER umano ay laro mula sa lisensiyadong gaming website.

Nakausap rin aniya nito ang opisyal ng nasabing license gaming website kung saan tiniyak sa kaniya na may hakbang silang ginagawa para malabanan ang pagkalululong ng mga tao.

Pinayuhan din nito ang publiko na may kakilalang nalulong sa paggamit ng online gambling na agad na lumapit sila sa Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) para mai-ban o pagbawalan ang indibidwal na makapaglaro.

Aabot na rin aniya sa 7,000 na mga websites na kinaroroonan ng mga iligal gambling ang ipinasara ng gobyerno at tuloy-tuloy din ang ginagawa nilang hakbang para labanan ito.