Nagbuhos ng puntos ang Indiana Pacers para sa Game 6 ng NBA Finals.
Dito ay inilampaso nila ang Oklahoma City Thunder sa score na 108-91, kaya’t napwersa ang isang winner-take-all Game 7 para sa kampeonato.
Sa kabila ng mahinang simula, bumawi ang Pacers sa pamamagitan ng matinding depensa at sunod-sunod na puntos mula kina Obi Toppin (20 puntos) at Pascal Siakam, na nagtapos ng first half sa isang poster dunk at buzzer-beater.
Umabot sa 22 puntos ang lamang ng Indiana sa halftime, at hindi na nila ito binitiwan.
Sa pagtatapos ng third quarter, 90-60 na ang score pabor sa Pacers, ang pinakamababang puntos ng Thunder sa tatlong quarters ngayong season.
Ang Game 7 ay gaganapin sa Oklahoma City, kung saan parehong koponan ay isang panalo na lang mula sa inaasam na titulo.
Isa itong makasaysayang laban dahil ito ay ika-20 Game 7 sa kasaysayan ng NBA Finals.