Binigyang diin ng Department of Agriculture na walang pangangailangan ng pagtatakda ng Maximum Suggested Retail Price sa mga lokal na baboy sa bansa.
Sa isang pahayag ay nanindigan si Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na sa ngayon ay hindi pa ito maipapatupad dahil sa kakulangan ng supply ng lokal na baboy.
Tututukan muna aniya ng gobyerno ang repopulation ng hog industry sa bansa dahil sa naging epekto ng African Swine Fever sa industriya.
Kung maaalala, inalis ng DA ang Maximum Suggested Retail Price noong May 15 ng kasalukuyang taon .
Sa kabila nito ay target ng ahensya na magpatupad ng MSRP sa lahat ng mga frozen imported pork.
Nadiskubre kasi ng ahensya na ilan sa mga trader nito ay ibinebenta ang kanilang produkto bilang lokal na baboy para tumaas ang presyo.
Nagbabala ito sa mga trader na mapapatunayang gumagawa ng naturang aktibidad na mahaharap sila sa kaukulang reklamo.