Hindi itinanggi ng Department of Agriculture (DA) na tumaas ng bahagya ang presyo ng mga karne ng baboy sa bansa dahil sa epekto ng African Swine Fever.
Ayon sa DA na sa kanilang ginawang pag-iikot sa mga palengke ay napansin nila ang nasabing epekto ng pagtaas ng presyo.
Mula sa kasi sa dating P390 kada kilo ng karne ng baboy ay nasa P450 hanggang P490 na ngayon ang kada kilo.
Dagdag pa ng DA na mula sa dating 13 milyon an mga swine heads sa buong bansa bago ang pagtama ng ASF ay naging 8.5 milyon na lamang ito.
Para matugunan aniya ito ay plano nilang maglagay ng Food Terminal Incorporated (FTI) na direktang bibili ng mga karne ng baboy sa mga piggery owner.
Umaasa rin ang DA na maaprubahan na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang commercial release ng bakuna laban sa ASF.