-- Advertisements --

Target ng pamunuan ng Department of Agriculture na ipagpaliban ang pagbabawas sa maximum suggested retail price ng mga inangkat na bigas.

Ito ay dahil na rin sa mga hindi inaasahang epekto sa global market dulot ng kaguluhan sa gitnang silangan.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang planong pagpapababa sa MSRP para sa broken rice na P43 kada kilo sa pagpasok ng buwan ng Hunyo ay ipagpapaliban muna dahil sa epekto ng kaguluhan.

Maaalalang, nananatili ang MSRP para sa imported rice sa P45 per kilo mula pa noong Marso 31, 2025.

Binigyang diin ng kalihim ang posibleng geopolitical risks matapos na makialam ang US sa Iran at Israel War.

Naniniwala naman si Laurel na maaaring ipagpatuloy ng ahensya ang [lanong pagbabawas sa MSRP sa mga imported na bigas sa buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon.