Napansin ng Department of Agriculture (DA) ang biglaang pagtriple ng demand sa P20 rice.
Ito ay kasabay ng crisis na kasalukuyang nararanasan sa bansa dahil sa labis na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr., sa loob ng lamang ng maikling panahon ang labis ang itinaas ng demand at konsumo sa bigas na ibinebenta sa halagang P20 kada kilo.
Dahil dito, pinalawig pa ng DA ang oras ng operasyon ng mga Kadiwa outlet kung saan nabibili ang mga P20 rice upang mapagsilbihan ang mas maraming konsyumer na kwalipikadong makabili ng murang bigas.
Nagdagdag din ang DA ng manpower at stock upang matugunan ang tripleng demand.
Tiniyak naman ng kalihim na sa kabila ng pagtaas ng demand ay makakaya itong tugunan ng kasalukuyang stock kung saan batay sa bulto ng bigas na mayroon ang ahensiya, kaya pa nitong magtagal ng mahigit sampung buwan, kahit pa nag-triple ang demand.
Patuloy na rin aniya ang anihan sa kasalukuyan kaya’t inaasahan ng ahensiya na agad mapapalitan ng bagong stock ang mga mga nasa bodega na nakatakdang ilabas sa mga Kadiwa outlet sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Hindi rin inaalis ng DA ang posibilidad na lalo pang tataas ang demand sa mga susunod na araw. (report by Bombo Jai)
















