-- Advertisements --

Plano ngayon ng National Food Authority (NFA) ang pagbili ng mga palay sa katapusan ng Marso.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, layon nito ay para mapalitan ang national buffer stock.

Sa kasalukuyan ay bumibili sila ng mga fresh palay sa halagang P17 kada kilo habang ang mga dry na palay ay P21 per kilo para maiwasan ang kumpetisyon.

Dagdag pa nito na hinihintay nila na maging kalmado ang presyohan dahil kung sila ang bibili ngayong anihan ay makakadagdag pa sila ng pressure sa pagtaas ng presyo.

Ang national average na presyo ay nasa P21 kada kilo para sa mga fresh palay habang P25 naman per kilo ang para sa mga dried palay.

Target ng gobyerno na magkaroon ng 790,000 metric tons ng bigas bilang national buffer stock ngayong taon.