-- Advertisements --

Ganap nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang absolute pardon para kay Mary Jane Veloso.

Si Veloso, na naging biktima ng human trafficking, ay nakulong nang mahigit 14 na taon sa Indonesia kung saan siya unang napatawan ng parusang bitay bago naisalba sa tulong ng apela ng dating Pangulong Benigno Aquino III kay dating Indonesian President Joko Widodo.

Matapos ang mahabang negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa, matagumpay siyang naibalik sa Pilipinas noong Disyembre 2024 at pansamantalang inilagay sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.

Sa pamamagitan ng iginawad na absolute pardon, ganap nang nabura ang kaniyang parusa na nagbibigay sa kaniya ng kalayaan at pagkakataong makasama muli ang kaniyang pamilya.