-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Department of Agriculture ang pagbabawal sa importasyon ng karneng baboy na namumula sa Taiwan.

Kabilang na rito ang lahat ng uri ng produkto na nagmula sa baboy na nagmula sa naturang lugar..

Ang agarang hakbang na ito ay isinagawa bilang reaksyon sa kumpirmasyon ng paglaganap ng African Swine Fever o ASF sa nasabing bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang pagpapatupad ng moratorium ay isinakatuparan nang walang pagkaantala upang protektahan ang malaking industriya ng baboy sa Pilipinas, na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso.

Layunin din nito na maiwasan ang muling pagkalat ng ASF sa buong bansa, na maaaring magdulot ng malaking pinsala sa mga lokal na magbababoy at sa ekonomiya.

Saklaw ng ban ay ang mga buhay na baboy, lahat ng uri ng karne ng baboy, balat ng baboy, at kahit na ang semilya na ginagamit para sa artificial insemination ng mga baboy.

Kasabay ng pagpapatupad ng ban, awtomatiko ring kinansela at binawi ng DA ang lahat ng naunang inisyung permit para sa pag-aangkat ng mga produktong baboy mula sa Taiwan.