-- Advertisements --

Aminado ang Department of Agriculture na aabutin ng dalawa hanggang tatlong taon bago tuluyang bumalik ang local hog population sa bansa.

Ayon sa ahensya, ito ay dahil na rin sa pre-African swine fever levels.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, nakikita na nila ang ilang mga senyales na makakabangon muli ang lokal na industriya ng pagbababoy.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng ahensya ng vaccination sa mga baboy at naging maganda naman ang resulta nito.

Hinihintay na rin ng ahensya ang approval ng FDA para sa clearance ng pagbebenta ng mga ASF vaccine commercially.

Batay sa datos ng ahensya , mula noong unang outbreak ng ASF sa bansa taong 2019, bumaba ang national hog inventory mula sa 13 million heads patungo sa nine million heads.