-- Advertisements --

Dumating na sa Osaka, Japan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para dumalo sa World Expo 2025 at makipag pulong sa mga negosyanteng Hapones.

Kahapon ng hapon umalis ang Pangulo sa bansa sakay sa isang private jet.

Ayon sa Malakanyang, pangungunahan ni Pangulong Marcos ang pagpapasinaya sa Philippine Pavilion.

Sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, tampok sa world expo sa Asaka ang mayamang kultura ng Pilipinas, magagandang landscapes at bahagi ng pagtataguyod sa turismo ng bansa.

Bukod sa naturang aktibidad, inaasahan ding makikipagpulong ang Pangulo sa ilang mga negosyante, at maglalaan din sya ng oras upang makadaupang-palad ang Filipino community sa Japan.

Magtatagal si Pangulong Marcos sa Japan hanggang ngayong weekend.

Samantala, itinalaga bilang caretaker ng pamahalaan sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Education Secretary Sonny Angara, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.