-- Advertisements --

Bukas naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga suhesyon o diskusyon para sa posibilidad ng muling pagsali ng Pilipinas sa Rome Statute.

Tugon ito ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, kasunod ng panawagan ng UN Rapporteur sa Philippine government na i-ratify ang international human rights treaties maging ang pagiging bahagi nito noon sa Rome Statute.

Sinabi ng opisyal na nakakatuwang napapansin sa international level ang ginagawa ng Marcos Administration para sa pagpapa-igting ng karapatang pantao at pagsusulong ng freedom of expression sa bansa.

Bagamat maganda aniya ang suhesyon kailangan pa ring mapag-aralan ito ni Pangulong Marcos.