Nilinaw ng Malakanyang na walang anumang partisipasyon at hindi alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung meron mang kasunduan sa pagitan nina VP Sara at Sen. Imee Marcos hinggil sa pagkakakulong kay ex-PRRD sa international criminal court (ICC).
Pahayag ito ni Palace Press Officer USec Claire Castro kasunod ng pahayag ni VP Sara na dahil si Pangulong Ferdinand Marcos Jr umano ang nagpadala sa the Hague kay dating Pangulong Duterte, dapat si Senador Marcos ang magpauwi rito sa Pilipinas sa dating pangulo.
Binigyang diin ni Castro na walang alam si Pangulong Marcos sa kasunduan sa pagitan ng isang nanggagamit at isang handang magpagamit.
Ang tanging hangad aniya ng Pangulo ay magpatuloy lamang at tumutok sa pagta trabaho.
Giit pa ni Castro, walang ibang gusto ang Pangulo kundi ang aksyon at hindi mabakasyon.
Nang tanungin naman si Castro kung may pinasasaringan ba itong tao na nakabakasyon ngayon ay tumanggi itong sagutin at sinabing bahala na ang publiko na mag obserba, at pag aralan kung meron nga bang mga indibidwal na panay ang bakasyon sa ngayon.