Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 si Russian Prime Minister Mikhail Mishustin.

Dahil dito ay sumasailalim na siya ng self-isolation para hindi na makahawa pa ng iba.

Ipinaalam na nito ang kaniyang kalagayan kay Russian President Vladimir Putin sa ginawang video meeting.

Itinalaga muna si First Deputy Prime Minister Andrei Belousov bilang “acting” prime minister.