Anton Kadushin
Anton Kadushin

Nagpositibo sa coronavirus ang Russian national boxing coach matapos ang Olympic qualifiers sa London noong nakaraang buwan.

Sa kaniyang Instagram, ibinunyag ni Anton Kadushin ang kalagayan niya.

Nakadama ito ng matinding lagnat noong Marso 25 ilang araw matapos na makauwi mula sa qualifiers.

Naka-self isolation na ito at nagpapagaling para hindi na makahawa.

Tiniyak naman ni Russian boxing federation head Umar Kremlev na naging maayos na ang lagay ni Kadushin.

Kasalukuyang isinasanay ni Kadushin si Gleb Bakshi ang 2019 middleweight world champion.