ANCHORAGE, Alaska – Labis ang katuwaan ng isang retiradong Russian Navy, matapos mabalitaang natagpuan ang kaniyang liham na isinilid sa bote noong 1969.

Nabatid na itinapon ito sa dagat ng noo’y aktibong Navy Capt. Anatolii Prokofievich Botsanenko, habang sila ay nasa cold war.

Sakay umano ang kanilang tropa ng barkong Sulak nang inihagis niya ito sa dagat.

Nakalimutan na ng dating kapitan ang ginawang sulat, kaya kinailangan pang ipakita sa kaniya ang kopya nito at ang lagda sa ibabang bahagi.

Ang liham ay napulot ni Tyler Ivanoff sa baybayin ng Western Alaska, habang siya ay namumulot ng kahoy.