-- Advertisements --

Nailigtas ang 22 crew members ng isang cargo ship matapos na ito ay masunog sa karagatang sakop ng Alaska.

Ang Liberia-flagged ship na Morning Midas ay galing ng Yantai port sa China at patungo sana sa Lazaro Cardenas, Mexico ng ito ay nasunog.

Mayroong karga ito na 3,000 na sasakyan kabilang ang 800 na mga electric cars.

Ayon sa operator nito na Zodiac Maritime, napilitan na silang ilikas ng US Coast Guard dahil sa hindi na nila makontrol ang laki ng sunog.

Nagpadala na ang US Coastguard ng mga aircrew at cutter ship para maapula ang nasabing sunog kung saan hanggang ngayon ay isang hamon sa kanila ang pag-apula.