-- Advertisements --
Nagluluksa ngayon ang Mexico sa pagpanaw ng dalawang batang Navy Cadets habang nagsasanay sa tall ship na ARM Cuauhtémoc.
Kinilala ang mga biktima na sina América Sánchez, 20-anyos at si Adal Jair Maldonado Marcos , 23-anyos ay nasawi ng tumama ang barko sa Brooklyn Bridge sa New york.
Ang dalawa ay kabilang sa 277 crew members na lulan ng Mexican Navy sailing ship ng mapigtas ang tatlong masts nito at tumama sa tulay.
Mayroong 22 iba pa ang sugatan kung saan tatlo sa kanila ang nasa kritikal na kalagayan.
Ayon kay Mexican Navy commader Admiral Pedro Raymundo Morales na lahat ng mga biktima ay pauuwiin sa kanilang mga bansa.
Base sa inisyal na imbestigasyon na nagkaroon ng mechanical problem ang barko kaya ito ay sumabit sa nasabing tulay.