Nagpasya ang Russia ng ceasefire sa ilang mga lugar sa Ukraine para magbigay daan sa mga lumilikas na mga sibilyan.
Ilan sa mga dito ay ang lugar ng Kyiv, Kharokov, Mariupol at Sumy.
Sinabi naman ng Russian Defense Ministry na kanilang bubuksan ang mga humanitarian corridors kung saan inihalimbawa dito ay yung mga galing sa Kyiv ay maaaring magtungo sa Belarus ang kaalyadong bansa ng Russia habang ang mga sibilyan na mula sa Kharkiv ay maaring magtungo sa Russia.
Habang ang mga nasa Maripul at Sumy ay lalabas sa ibang mga lungsod ng Ukraine at Russia.
Nauna rito ay inakusahan ni Ukrainian President Voldomyr Zelensky ang Russia na pinapatay ang mga sibilyan.
Ipinagmalaki naman ng hacking collective na Anonymous na kanilang na-hacked ang state tv broadcast ng Russia.
Makikita na ipinapalabas sa mga Russian channels ang mga nagaganap na giyera sa Ukraine.
Magugunitang noong nakaraang mga araw ay nagdeklara na ng cyberwar ang sikat na hacking group sa mundo na Anonymous laban sa Russia dahil sa dumarami na ang mga sibilyang nadadamay mula sa ng atakehin ang Ukraine.