Turkey Syria border
Turkey Syria border

Nagsimula ng magpadala ng mga sundalo ang Russia sa Turkey-Syria border.

Ito ay bilang kasunduan ng Russia sa Turkey na itaguyod ang ‘safe zone’ sa lugar.

Nakapasok na ang mga sundalo sa dalawang pangunahing border towns ng Kobane at Manbij.

Base sa kasunduan ng Russia at Turkey na binigyan ng 150 oras ang mga Kurdish fighters na lisanan ang 30 kilometers ng Syrian border.

Magtatapos ang deadline sa araw ng Huwebes.

Tiniyak pa rin ng Turkey na magpapatupad pa rin sila ng opensiba.