Nagsimula na ang tropa militar mula Turkey at Russia sa kauna-unahan nitong ground patrol sa Hilagang-Silangan ng Syria sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Naglunsad ang magkabilang kampo ng opensiba noong October 9 laban sa Kurdish People’s Protection Unites (YPG), grupo ng terorista sa Turkey.

Ayon sa Russia, nilisan na ng YPG ang kinokontrol nilang lupa isang linggo matapos pumayag ang Ankara at Moscow na tanggalin ang YPG fighters sa naturang area.

Tumulong ang ilang ground at air units sa pagbabantay sa Syrian boarder lungsod ng Darbasiya.