-- Advertisements --

Tinawag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na walang kuwenta ang kasong isinampa sa kaniya ng National Bureau of Investigation (NBI).

May kaugnayan ito sa pagpapalabas umano ng polvoron video kung na isinasangkot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na gumagamit ng iligal na droga.

Dagdag pa ni Roque na mapapatunayan nilang hindi dinoktor ang video dahil sa ito ay sumailalim sa pagsusuri ng ilang mga eksperto sa paggawa ng mga video sa ibang bansa.

Magugunitang kinasuhan si Roque ng sedition dahil umano sa panawagan nito na mag-alsa at patalsikin ang gobyerno.

Habang si Claire Contreras o Maharlika ay kinasuhan ng Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances, Inciting to Sedition, Cyber Libel, at Computer-Related Forgery.