Naibenta sa halagang $4.6 million (P230-M) ang ultra-rare Luka Doncic rookie card.

Ang nasabing card ay mayroong NBA Logoman patch mula sa Dallas Mavericks jersey at ang perfect signature ni Doncic gamit ang asul na tinta.

Unang nakuha ang card sa kahon ng 2018-2019 Panini Naitonal Treasures Basketball noong Mayo 2019.

Ang card ay unang ibinenta sa collector na si Bolillo Lajan San sa mahigit na $400,000.

Nitong Pebrero 28 lamang ay ibinenta nito sa high-end collector na si Nick Fiorella sa halagang $4.6-M.

-- Advertisement --

Ito na ang pangalawang pinakamahal na nabili sa sports trading card na pinangunahan ng card ni baseball legend Mickey Mantle na nabili sa $5.2 million habang pangatalo si Mike Trout isang baseball player din na nabili sa $3.9 milyon.