Tiniyak ng pamunuan ng Department of Agriculture na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga agricultural smugglers sa bansa.
Kaugnay nito ay kinumpirma ng ahensya na nakatakda nilang -despatsa ang mga nakumpiskang sibuyas sa Mindanao International Container Terminal na positibo sa E. coli bacteria.
Hunyo nitong taon ng makumpiska ang nasabing mga produkto at kaagad na isinailalim sa pagsusuri.
Ayon kay Agri Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., nakitaan ito ng mataas na lebel ng E. coli na ibig sabihin ay kontaminado ito.
Layon ng hakbang na ito na maiwasang makunsumo ng publiko ang nasabing mga produkto at nang hindi na kumalat sa mga pamilihan.
Maaari kasing magdulot ito ng panganib sa kalusugan ng tao kapag nakain o nakunsumo.
Kabilang sa mga maaaring makuhang negatibong epekto ay matinding gastrointestinal na sakit at iba pang mga malubhang kaso na maaaring ikamatay ng indibidwal na makakakain nito.