Rajon Rondo 1
Rajon Rondo / Lakers IG post

Posibleng hindi makapaglaro ng ilang linggo si Los Angeles Lakers point guard Rajon Rondo matapos magtamo ng fracture sa kaniyang kanang hinlalaki.

Dahil dito ay sasailalim sa operasyon ang 13-year basketball veteran.

Natamo nito ang injury sa ensayo ng Lakers nitong Linggo sa Walt Disney World Complex sa Orlando, Florida.
May average points na 7.1 , 5.0 rebounds at 3.0 assist per game ang 34-anyos na si Rondo.

Magugunitang hindi na rin makakasama ng Lakers sa pagsisimula muli ng laro ang kanilang starting guard na si Avery Bradley dahil sa pangamba nito sa pagdami ng kaso ng coronavirus.