Umaasa ang San Miguel Beermen na hindi gaanong mabigat ang tinamong injury ni Terrence Romeo.

Nakuha ng Beermen guard ang injury ng talunin sila ng Alaska Aces 81-79 sa kanilang tune-up games.

Sinabi ni Romeo na kumirot ang kanyang paa matapos ang ginawa nitong pagtira sa bola.

Magugunitang unang nagtamo ng injury ang kanilang center na si June Mar Fajardo na sinundan ni Marcio Lassiter ng mabalian ng ilong.