-- Advertisements --
Nakatakdang ibenta sa auction ang Rolex na relo na pirmado ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ayon sa Leon Gallery sa Lungsod ng Makati, na sa susunod na buwan ay makikita sa kanilang gallery ang nasabing relo.
Gawa ito sa 18k yellow gold na isang Rolex Oyster Perpetual Day-date at nakaukit ang pirma ni Marcos sa likod nito.
Galing ito sa personal collection ng close confidant ng dating pangulo na tumulong para iplano ang Martial Law mula 1972 hanggang 1981.
Nakausap umano nila ang tinaguriang “Rolex 12” ang grupo ng mga militar at civilian advisers na nabigyan ni Marcos ng relo.
Bagamat wala na itong kasamang kahon at mga papeles ay inaasahan nilang mabibili ito sa subasta ng hanggang P900,000.