-- Advertisements --

Naglabas na ng subpoena ang Makati prosecutor’s office laban kay suspended Cavite Representative Francisco ‘Kiko’ Barzaga.

May kauganayan ito sa dalawang cyberlibel na isinampa ng negosyanteng si Enrique Razon.

Sinabi ni Prosecutor Dindo Venturanza, na binigyan nila si Barzaga ng 10 araw para maghain ng kaniyang counter-affidavit kapag natanggap na nito ang subpoena.

Nahaharap sa kaso si Barzaga dahil umano sa mapanirang social media post nito nitong Enero 9 kung saan sinuhulan ni Razon ang ilang mambabatas para hindi umalis ang kanilang suporta kay dating Speaker Martin Romualdez.