-- Advertisements --

Handang sagutin sa korte ni Cavite Representative Francisco “Kiko” Barzaga ang kasong cyberlibel na isinampa sa kaniya ng casino tycoon na si Enrique Razon.

Nanindigan ang mambabatas na pawang katotohanan ang kaniyang isinawalat ukol sa pagbibigay ng pera ni Razon sa ilang mambabatas para hindi mawala ang suporta nila kay dating Speaker Martin Romualdez.

Giit nito na hindi ito nasisindak kay Razon kahit na ito ang isa sa pinakamayamang tao bansa dahil ang katotohanan ang kaniyang hawak.

Magugunitang isinampa ni Razon ang kasong cyberlibel sa Makati City Prosecutors Office matapos ang social media post ng mambabatas na binayaran ang mga kongresista noong nagsagawa sila ng pagtitipon.