-- Advertisements --

Kinumpirma ni Cavite Representative Kiko Barzaga na ito ay humingi na ng paumanhin sa business tycoon na si Enrique Razon.

Paglilinaw ni Barzaga na tanging mga personal issues lamang ito nag-sorry pero tuloy pa rin ang kaso.

Hindi naman na binanggit ng batang mambabatas kung ano ang personal nilang isyu ng negosyante.

Magugunitang noong Enero 14 ay nagsampa ng kasong cyberlibel si Razon dahil sa mapaniran puri na social media post ni Barzaga na nag-aakusang nagsuhol sa mga mambabatas para suportahan si dating Speaker Martin Romualdez.