Maswerteng naharang ng Iron Dome defense system ng Israel ang apat na rockets na pinakawalan ng Syria.

Kinumpirma ito ng Israeli Defense Force ngunit hindi pa sila naglalabas ng karagdagang impormasyon hinggil dito.

Lumabas ang naturang report ilang oras lamang matapos ianunsyo ni Secretary of State Mike Pompeo na binago na ng United States ang kanilang pahayag sa Israeli settlements sa West Bank.

Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo, ang status ng West Bank ay nakasalalay umano sa magiging negosasyon sa pagitan ng Israelis at Palestinians.

“The establishment of Israeli civilian settlements is not, per se, inconsistent with international law,” saad ni Pompeo.

Para naman kay Netanyahu ang ginawang ito ng US ay isang hakbang upang itama ang isang bagay na matagal nang pinaniniwalaan na mali. Nanawagan din ito sa iba pang mga bansa na sundan ang ginawang desisyon ng Amerika.

“This policy reflects an historical truth – that the Jewish people are not foreign colonialists in Judea and Samaria,” saad ni Netanyahu.