-- Advertisements --

Personal na binisita ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang bayang Nir Oz kibbutz.

Ito ang unang pagkakataon na binisita ni Netanyahu ang lugar mula ng lumusob ang Hamas noong Oktubre 7, 2023.

Sa kaniyang talumpati ay tiniyak niya ang pagpapabalik sa mga binihag ng mga Hamas.

Aabot sa kasi sa mahigit 100 na residente ng Nir Oz ang maaring dinukot at pinaslang ng mga Hamas.

Naging mahigpit naman ang ginawang pagbabantay ng mga otoridad dahil sa may ilang grupo ang nagsagawa ng kilos protesta laban sa pagbisita ni Netanyahu.