ROBREDO NOV 12 3
IMAGE | Vice President Leni Robredo spoke about the strength of mothers, and the integral role that they play in society, at The Philippine Star: Women Influence Community Forum, held at Marriot Hotel, Pasay City, on Tuesday, November 12, 2019/(Photo by Charlie Villegas/OVP)

Kung si Vice Pres. Leni Robredo raw ang tatanungin hindi talaga masusugpo ng dahas ang mga kaso ng iligal na droga sa bansa.

Naniniwala si Robredo na mas magiging epektibo kung ikokonsidera ng gobyerno ang paggamit ng “public health approach” o pagtutok sa pagbibigay tulong medikal sa drug dependents.

Ito rin daw kasi ang naging batayan ng ibang bansa na naging matagumpay sa kanilang kampanya.

“The public health approach is the route that we should take because those countries all over the world who resorted to violence were never successful,” paliwanag ng bise presidente sa pagdalo nito sa Women Today forum sa Pasay City.

“The countries which viewed it thru a public health approach were the ones who were able to reach a certain level of success,” dagdag pa nito.

Aminado si Robredo, na isa sa kanyang mga naging dahilan para maudyok na tanggapin ang co-chairperson post ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ang paggiging ina.

“Perhaps, it was my instinct as a mother that I accepted this responsibility and that I needed to do this sacrifice for the greater good.”

“We may have been called to play many roles in our lives, but beyond doubt—and I know that you will agree with me—that the role that requires the most courage, the most resolve, the most strength, is being a mother.”