Nagbahagi ng mga hakbang si ex-VP at kasalukuyang Alkalde ng Naga, Leni Robredo at ang kanyang lokal na pamahalaan laban sa korupsiyon sa isang summit na itinaguyod ng Institute for Solidarity in Asia.
Isa si Robredo sa mga pangunahing tagapagsalita sa “ISAng Bansa, ISAng Pangarap: National Summit for Public Governance,” kung saan tinukoy niya ang kahalagahan ng integridad sa sektor publiko.
Ayon kay Robredo, isa sa mga unang hakbang na ginawa niya nang umupo sa posisyon ay ang pagtanggal ng mga confidential funds sa Naga. Sinabi niyang nagmana sila ng limitadong badyet at mataas na mga kaso ng kahirapan at kawalan ng trabaho.
Ani Robredo, Sa limitadong pondo, bawat pisong nawawala sa korupsiyon ay pisong ninakaw mula sa mga tao. Kaya’t ang integridad ay isang pang-ekonomiyang pangangailangan.
Dagdag pa ni Robredo, agad niyang pinirmahan ang isang executive order na may ‘zero-tolerance’ policy laban sa korupsiyon at ipinatupad ang mga hakbang tulad ng strengthening ng internal audit service at public engagement upang panagutin ang mga opisyal.
Inalala rin ni Robredo ang pananaw ng kanyang yumaong asawa, si Jesse Robredo, na ang pagpigil sa korupsiyon ay magsisimula sa pamahalaang tapat at may integridad. (REPORT BY BOMBO JAI)
















