Iginiit ng Malacañang na karapat-dapat lamang umanong sibakin si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi na raw nakagugulat pa ang mga binibitawang pahayag ni Robredo matapos itong masipa sa tungkulin.

“Her tirades and threats following her unceremonious but deserved firing is unsurprising. There is no greater fury than a woman scorned. There is a Spanish word that aptly describes her fall from grace: Merece (deserving),” saad ni Panelo.

Pahayag ito ni Panelo makaraang ihayag ni Robredo na gumagawa raw siya ng paraan upang magampanan ang kanyang trabaho kahit maraming humahadlang.

“In an environment when the limitations given to you are just too much, ang pinakamadali kasi ay to pass the blame on others. Kung sasabihin mo na hindi ko nagawa ‘trabaho ko dahil uninspired ako sa aking boss; na hindi ako nag-perform dahil hindi ako well-motivated ng aking boss…kapag ganoon ang mga dahilan, hindi tayo tunay na lider,” wika ni Robredo.

Ngunit ayon kay Panelo, tumulong na raw si Pangulong Rodrigo Duterte kay Robredo para patunayan ang sarili.

“In the tunnel of darkness where she strayed aimlessly after a 100 percent rejection of her endorsed Otcho Derecho , she was given a lamp by PRRD to illuminate her way, but she carelessly broke it and she is back to where she was, groping with a blind vision,” ani Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na kahit binabanatan ni Robredo ang pangulo, nananatili ang tiwala ng taumbayan rito kung pagbabasehan ang mga survey.

“Despite her non-performance and obstructionist perorations against the President, the latter has performed exceedingly well, and the Filipino people have stamped with a very good satisfaction rating his incomparable performance in the last three years. In contrast, the rambunctious critic has consistently rated very low In the surveys. Res ipsa loquitor (The thing speaks for itself),” giit ni Panelo.