rizal day luneta

Nakikiisa ang Malacañang sa sambayanang Pilipino sa paggunita sa dakilang sakripisyo ni Dr. Jose Rizal nabigay-daan para sa kalayaan ng bansa mula sa mga mananakop.

Sa mensahe ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, makalipas ang 123 taon, hindi nasayang ang sakripisyong ito ni Rizal dahil minulat nito ang ating mga ninuno para tumindig at lumaban sa mga pag-abuso ng mga mananakop sa loob ng mahigit 300 taon.

Ayon kay Sec. Panelo, ang kabayanihan ni Rizal ay hindi na lamang inaalala sa mga history books, bagkus, nananatili itong inspirasyon lalo ng mga kabataan para maging matatag sa mga hamon ng kasalukuyan at maging tunay na pag-asa ng ating bayan.

Ngayong araw, umaasa ang Malacañang na gawing makabuluhan ng mga Pilipino ang okasyon kahit sa simpleng bagay lamang gaya ng paglilingkod sa kapwa lalo ipinamalas ni Rizal na magiging makabuluhan lamang ang buhay kung ito ay iaalay sa dakilang hangarin.

“Rizal’s passing 123 years ago did not go to waste as it fueled the re-awakening of our forefathers to stand up against the excesses or abuses of the colonizers which extended for over three centuries. Although Rizal’s heroism is now only recalled through history books, we celebrate tomorrow as it serves as an inspiration for the modern-day Rizals – the youth particularly – to remain steadfast on the challenges of the present times and to become beacons of hope for this motherland,” ani Sec. Panelo.

ES Isko rizal

“December 30 of each year forms part of our collective imagination of our continuing revolution against those who still treat our nation as a vassal state. It is also during this occasion that we make Rizal’s death relevant in our day-to-day lives by, in our own small ways, being in the service of others, rooted in and strengthened by the love of the people. After all, it was Rizal who posited that life is useless if not consecrated to a great ideal.”